dula sa UAP
September 20, 2006Malakas pala ang buhos ng ulan sa labas. Hindi ko napansin ang bugso ng langit at ang paglalim na ng gabi. Humarap ako sa pintuan at binuksan ang aking payong. Sumukob ako hanggang sa suungin ko na ang lansangan.
Ang bawat patak ng ulan ay tumama sa basang kalsada, pinunasan ang kaanyuan ng mga sasakyang nagdaraan, at tumilapon sa mga payong ng mga nagkakandakumahog na mga tao. Isa ako sa mga hindi mapakali–yaong tipong hindi magkandaugaga sa pagtantiya sa kilos ng mga sasakyang nagdaraan sa aking tinatawiran. Binulag ako ng mga ilaw na nagmumula sa mga sasakyan.
Sa kabila ng kasamaan ng panahon, napangiti ako. Sa lilim ng hawak kong payong ay naramdaman ko ang pagpintig ng kasiyahan sa aking puso.
"If I am who I am because I'm who I am and you're who you are because you're who you are then I'm who I am and you're who you are. If, on the other hand, I'm who I am because you're who you are and if you're who you are because I'm who I am, then I'm not who I am and you're not who you are." – Yvan, reading from the notes he took down from his therapy session with Dr. Finklezohn.
Ang nasabing pahayag ang sumugat sa aking pagkatao kasabay ng alaala ko sa aking napanood na dula ngayong araw. Kanina lamang ay nasa University of Asia and the Pacific ako… kasama ng 50 third year pilot students, 50 fourth year pilot students, at limang guro kabilang ang guro sa English noong third year na si Mrs. Merino at ang guro ko ngayon na si Mrs. Aniana.
Sa katunayan, hindi ako handa. Ni wala akong perang nakalaan para sa ipamamasahe papunta sa UA&P at ni wala rin akong isiping mahahawakan na naman ng isang dula ang aking panaginip.
Ang panonood ko ng dulang "Art" ay ang ikatlo ko nang pagkakataon. Ang unang beses na nakapasok ako sa isang teatro ay noong panuorin ko ang dulang "Palasyo ni Valentin" na itinanghal ng PETA; ang ikalawang beses naman ay ang "The Tragedy of Romeo and Juliet" ng Metropolitan Guild na ginanap sa AFP Theater. Ang bulwagan na pinagdausan ng dulang pinanood ko kaninang hapon ay hindi ko masabing isang teatro sapagkat hindi ganoon ang hitsura ng isang totoong tanghalan; sa pagkakaalam ko ay wala lang talaga silang ibang mapagdausan.
"I'm desperate to find a friend who has some kind of prior existence. So far, I've had no luck. I've had to mould you…But you see, it never works." — Mark, to Serge, when the latter asked the former why he can't love people for who they are.
Napakahusay. Namangha talaga ako hanggang sa manginig-nginig na ako sa lamig. Napakalamig talaga at halos hindi ko na maigalaw ang aking mga daliri. Gayunman, masaya pa rin ang naging lakad kong ito.
Sa susunod kaya? Ano pa ba ang maidudulot ng ulan sa akin? Giit ko nga kay Emong, balang araw… balang araw…
Makikita ninyong lahat. Sana. Sana.
Teatro. Bow.
Previous Comments
ua and p… wow. mahal dun.
wala lang. ahehe.
masarap ang feeling kapag umuulan, mas lalo na kapag nauulanan ka. ewan ko ba, para saken - masarap sa pakiramdam. presko.
ahehe.
yuuun lang! dumaan
i watched a play there once… okey lang naman.
pero syempre, mas maganda pa talaga ang mga plays ng up. hehe.
Posted by donya quixote at September 21, 2006, 11:27 amhmmm
masaya ang manood ng teatro, lalo na kung kontemporari ang mga papalabas
mukhang nag enjoy at naligayahan ka naman…
hmmmm
hmmmm
ua&p, sa may rotonda ba yun?
wakekeke
Posted by zord at September 21, 2006, 3:40 pmkinda shocked when i saw utakgago’s comment..
anyway, i don’t know, but like i’ve told you, move on, man. kung ayaw niya, well, wala tayong magagawa. mahirap pilitin ang ayaw.
salamat sa comment.
Posted by yna at September 21, 2006, 4:07 pmI want to watch plays too… but I can’t!!!
hehe.. mas gusto ko sa UP at CCP.. yun lang.. dumaan para magkumento..
Posted by jeniffer at September 21, 2006, 4:39 pmmukhang maganda ang dulang iyong napanood. Hmm.. At mukhang naaliw ka naman dito.
Sana ay napanood co din ang dulang iyon. Nakapanood na din nga pala aco ng dula sa AFP theater, “Ibong Adarna” Nandoon pa nga si Wowe(wawe) De Guzman. haha .
Teatro. Pangatlong beses na akong makakapanood ng stage play bukas. Sa AFP Theatre. Ibong Adarna rin.
Posted by celena at September 21, 2006, 5:50 pmako ay mahilig kumain ng kropek
Posted by alex at February 4, 2007, 10:39 amhi po san po makatulong kyo saakin po?/
Posted by donna at August 6, 2007, 11:24 pmganda naman po ng nasa pic heheheheh
Posted by jonathan at February 1, 2008, 10:55 amelow………………………………………………….
Posted by stella at March 10, 2008, 11:38 pmelow……………………………
Posted by stella at March 10, 2008, 11:39 pmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmelow…………………….
Posted by stella at March 10, 2008, 11:40 pmhi……………………………..msta………………………… im stella
Posted by stella at March 10, 2008, 11:43 pmim prd.to meet you.hehehehekhekhek.hay…………….bhay………..
Posted by stella at March 10, 2008, 11:50 pmowrayt…..! di ko mhanap un hnahanp q….!
Posted by mcarthur at July 7, 2008, 9:14 pmowrayt…..! di ko mhanap un hnahanp q….! shit…!
Posted by mcarthur at July 7, 2008, 9:16 pmSHYET!!!!
taslaa ui!!! di qoh mkita ung hinahaap qoh,…
hahahaha!!!
Posted by arch_calibur at January 3, 2009, 10:21 pmelow!!!pwede sumali……….
Posted by arch_calibur at January 3, 2009, 10:23 pmaus lang… maganda nman un. pero minsan cguraduhin mo na maiintindahan tlaga ng mga magbabasa nito.
Posted by kevin at June 6, 2009, 9:34 amhai i;m back
Posted by sley at November 27, 2009, 2:48 pmahm mxta kau?
Posted by sley at November 27, 2009, 2:49 pmAdd a comment



“All the world’s a stage,
And all the men and women merely players:
They have their exits and their entrances;
And one man in his time plays many parts..”
napili ko itong excerpt na ito mula kay kumpareng william dahil may koneksyon sa iyong post na pinamagatang “dula sa UAP”. ang mundo ay isang malaking tanghalan. ikaw, ako, tayong lahat ang mga gumaganap. bawat isa sa atin, may kanyang parte.
masaya ang magpaulan. itry mo kaya one time. kahit may dala kang payong. nakakatanggal ito ng tensyon sa katawan. hehe
Posted by deejay at September 21, 2006, 12:54 am